Usapan pagkatapos mag hapunan
ako: nakakatuwa ung mga preso sa bilibid. ang babait nila.
ate: oo nga e. ung officemate ko malapit lang bahay dun. kaya kapag may nabalitang tumakas, illock kaagad ung pinto.
mama: ay ganon.
ako: oo pero ung napuntahan namin nung NSTP ano lang e.. anong tawag dun te?
ate: hmm. medium. medium security.
mama: MEDIUM?? may large din ba dun?
ate at ako: HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA
ang babaw lang nya, pero tawa kami ng tawa dyan. hahaha laughtrip si mama e. may point nga naman din sya. The BEST talaga si mama. hahahaha
Isang araw lang na kasama ka, isang magandang birthday gift na
salamat sa masayang araw na kasama ka. :”> :)
Tiwala
Kung ano man yung naisahare ko sayo satin satin lang yun a.
Sayo ko lang sinabi lahat ng mga naishare ko ngayon.
Ang gaan kasi ng feeling at komportable ako pag sayo nagoopen
Mga katagang binitiwan ng dalawang malalapit na tao sa akin. Ang sarap pala sa pakiramdam makarinig ng ganyan, ngayon ko lang narealize. Akala ko isang simpleng kwentuhan lang ang nangyayari, yun pala, hindi ko namamalayan na isa na pala ako sa mapalad na nasabihan nila ng mga bagay bagay na hindi alam ng karamihan. :)
Tiwala ay isa sa mga bagay na mahirap ibigay at makamit sa mga taong nasa paligid natin. Ang hirap niyang ipaubaya sa ibang tao dahil baka masira nila ito. Pero nkakatuwang isipin na may mga taong handang ibigay yun sayo ng walang pagaalinlangan kung masisira mo ba ito. Nakakataba ng puso kapag iniisip ko na sa dinami dami ng tao at mga kaibigan ng mga taong ito, ay sa akin pa nila napiling magbahagi ng pangyayari sa kanilang buhay na kailanman ay hindi nila nasabi sa mga taong malalapit sa kanila. At dahil dun, hinding hindi ko sisirain ang tiwalang pinagkaloob nila sakin. Masaya lang talaga ako. At gusto ko yun ishare. :) maraming salamat. =))
